Miss Peculiar

Ang dami ng pinagdaanan ng mga Pinoy. Naniniwala akong kaya natin itong lagpasan. Di man natin sila matulungan sa kanilang materyal na pangangailangan, maari naman tayong makatulong sa pamamagitan ng pagdadasal. Tandaan natin na sa mga panahong katuload nito, dito nakikita at nasusukat kung gaano katatag ang mga mamamayang Pilipino. 
Kaya’t ikaw na nakaupo sa harap ng computer at nababasa ang post na ito, maswerte ka dahil may kuryente pa sa bahay niyo, maswerte ka dahil di lubog sa baha ang bahay mo. Kaya kahit saglit lang, pumikit ka at ipagdasal mo, na sana malagpasan ng kapwa mo ang bawat problema na kanilang pinagdadaanan ngayon. 

Eto na lang isipin mo: Tumulong ka hangga’t kaya mo, para kapag dumating ang panahon na kinailangan mo ng tulong, may tutulong sayo.

Isa lang to sa dinami-rami ng problema ngayon sa Pilipinas. Kaya nga hanga ako sa mga Pilipino na patuloy na lumalaban at hindi sumusuko. Alam ko namang kagaya ko, ang iba sa inyo ay hindi makapagbibigay ng tulong pinansyal o materyal sa mga taong nasalanta. Kaya nga’t paulit-ulit kong sinasabing magdasal nalang tayo. 

Marami ng napagdaanan ang mga Pilipino at marami ang tatahakin natin sa daan ng pag-unlad. Ngayon pa ba tayo susuko?

Credits to the owner of the photo.

Ang dami ng pinagdaanan ng mga Pinoy. Naniniwala akong kaya natin itong lagpasan. Di man natin sila matulungan sa kanilang materyal na pangangailangan, maari naman tayong makatulong sa pamamagitan ng pagdadasal. 

Tandaan natin na sa mga panahong katuload nito, dito nakikita at nasusukat kung gaano katatag ang mga mamamayang Pilipino. 